News Articles
Stay connected with the latest announcements, activities, and stories from SK Namayan.
Monitoring and Roving of Barangay Namayan AOR
Kaninang alas-1 ng tanghali, nagsimula ang inyong Sangguniang Kabataan sa pagiikot at pagmonitor sa ating Barangay upang personal na makita at matiyak ang kalagayan ng ating mga kabarangay.
SK NAMAYAN NAGSAGAWA NG MAAGANG ROVING AT MONITORING KAUGNAY NG HABAGAT
Bilang bahagi ng patuloy na monitoring sa epekto ng Habagat, nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Namayan ng roving at monitoring sa mga pangunahing kalsada at subdivision sa ating AOR ngayong 6:00 AM upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad at maagap na matugunan ang anumang insidente.
SK Namayan nagdagdag ng security inspection equipment para sa DBYES
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan sa ating mga paaralan, bumili ang Sangguniang Kabataan ng Namayan ng mga karagdagang security inspection equipment para sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Ang inisyatibong ito ay nagpapatibay sa ating pangako na mapanatiling ligtas at maayos ang kapaligiran para sa bawat #BatangNamayan.
SK Namayan Inspects DBYES Security
Nakatanggap ang Sangguniang Kabataan ng ulat kaugnay sa isang social media post na may banta sa isang paaralan. Agad tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at personal na nagsagawa ng obserbasyon sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Patuloy nating hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.
Mas Pinalalakas ang Kahandaan, Mas Pinagtitibay ang Serbisyo!
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ating SK Committee on Peace and Order and Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) initiatives, patuloy ang suporta ng Sangguniang Kabataan ng Namayan sa ating Namayan Emergency Action Team (NEAT).
SIKHAY: THE SK NAMAYAN KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY
Isang gabi ng makabuluhang pag-uusap, pakikilahok, at pagbibigay-inspirasyon ang ating pinagsaluhan sa 𝗦𝗜𝗞𝗛𝗔𝗬: 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗞 𝗡𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆.