Loading Animation

SK Namayan

COMMITMENT TO SERVICE PURSUIT OF EXCELLENCE
SK Namayan Logo
Home / News Articles
Peace and Order 5 Min Read Published: Jul 24, 2026

SK Namayan Inspects DBYES Security

Nakatanggap ang Sangguniang Kabataan ng ulat kaugnay sa isang social media post na may banta sa isang paaralan. Agad tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at personal na nagsagawa ng obserbasyon sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Patuloy nating hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.

SK Namayan Inspects DBYES Security

NAMAYAN, MANDALUYONG CITY — Agad na kumilos ang Sangguniang Kabataan ng Namayan matapos makatanggap ng ulat kagabi tungkol sa isang social media post na naglalaman ng umano'y banta na may kaugnayan sa isang paaralan na nagsisimula sa pangalang "Doña."

Kaagad na nagsagawa ng beripikasyon ang SK Namayan at nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad upang matukoy ang katotohanan ng naturang impormasyon at matiyak ang agarang pagtugon kung kinakailangan.

Bilang bahagi ng patuloy na monitoring, nagtungo ngayong umaga ang mga opisyal ng SK Namayan sa Doña Basilisa Yangco Elementary School upang personal na obserbahan ang sitwasyon sa paaralan. Kasabay nito, mahigpit na ipinatupad ang mga security measures at inspeksyon sa pakikipagtulungan ng Barangay Council, Mandaluyong City Police, MAC, Public Order and Safety Division (POSD), at Bantay Bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani.

Patuloy na hinihikayat ng SK Namayan ang mga magulang, kabataan, at mga residente na manatiling kalmado at maging mapanuri sa impormasyong natatanggap. Mahalaga ring iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at agad na iulat sa mga kinauukulang awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Naninindigan ang Sangguniang Kabataan ng Namayan sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng komunidad. Ang kapakanan ng bawat #BatangNamayan ay nananatiling pangunahing prayoridad.

Home Profiling Track Request
SKonsulta