Loading Animation

SK Namayan

COMMITMENT TO SERVICE PURSUIT OF EXCELLENCE
SK Namayan Logo
Home / News Articles
Katipunan ng Kabataan 5 Min Read Published: Jun 24, 2026

SIKHAY: THE SK NAMAYAN KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY

Isang gabi ng makabuluhang pag-uusap, pakikilahok, at pagbibigay-inspirasyon ang ating pinagsaluhan sa 𝗦𝗜𝗞𝗛𝗔𝗬: 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗞 𝗡𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆.

SIKHAY: THE SK NAMAYAN KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY

Mahigit 180 #BatangNamayan ang muling nagpatunay na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng ating bayan, kundi mga aktibong katuwang sa paghubog ng kasalukuyan.


Sa kanilang aktibong pakikilahok, ipinakita nila ang kahalagahan ng pagkakaisa, pakikilahok, at malasakit sa pagbuo ng isang mas progresibo at mas inklusibong komunidad para sa bawat kabataan.


Sa pamamagitan ng State of the Youth Address (SOYA), naibahagi ang mga naging programa, proyekto, at mga susunod pang inisyatiba ng Sangguniang Kabataan ng Namayan, habang binigyang daan din ang isang bukas na talakayan upang marinig ang tinig, mungkahi, at adhikain ng bawat kabataan.


Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiisa, at naging bahagi ng isang makabuluhang pagtitipon. Ang inyong presensya at pakikilahok ang nagpapatunay na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa isang kabataang may malasakit, may paninindigan, at handang kumilos.


Project Cost: ₱𝟴𝟵,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬


Patuloy nating pag-aalabin ang diwa ng paglilingkod para sa bawat #BatangNamayan.


Home Profiling Track Request
SKonsulta