Bumili ang Sangguniang Kabataan ng Namayan ng 10 dual-band transceiver radios upang higit pang mapabilis at mapahusay ang komunikasyon ng ating mga emergency responders at mga opisyal ng SK, lalo na sa panahon ng mga sakuna, kalamidad, at iba pang emergency situations.
Naniniwala tayo na ang mabilis at maayos na komunikasyon ay mahalagang bahagi ng epektibong pagtugon sa anumang insidente. Sa pamamagitan ng kagamitang ito, mas mapapalakas natin ang koordinasyon at mas mapabibilis ang pagbibigay ng serbisyo sa ating komunidad.
Patunay ito ng ating matibay na commitment na maglingkod hindi lamang sa ating mga kabataan kundi sa buong pamayanan ng Namayan. Sama-sama nating isinusulong ang isang ligtas, handa, at matatag na barangay para sa lahat.
Project Cost: 10,000.00