Community Board
Stay connected with the latest announcements, activities, and stories from SK Namayan.
SK Namayan and NEAT responds to a reported Electrical Fire
Mabilis na rumesponde ang Namayan Emergency Action Team (NEAT), katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Namayan, sa iniulat na electrical fire incident sa Mercury Street, Dreamland Subdivision. Agad na nakipag-ugnayan ang mga responders sa City Command and Control Center (C3) at MERALCO upang matiyak ang maagap na pagtugon habang patuloy na mino-monitor ang sitwasyon para sa kaligtasan ng ating mga residente.
SK Namayan Inspects Security Measures at DBYES
Nakatanggap ang Sangguniang Kabataan ng ulat kaugnay sa isang social media post na may banta sa isang paaralan. Agad tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at personal na nagsagawa ng obserbasyon sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Patuloy nating hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.