News Articles
Stay connected with the latest announcements, activities, and stories from SK Namayan.
SK Namayan nagdagdag ng security inspection equipment para sa DBYES
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan sa ating mga paaralan, bumili ang Sangguniang Kabataan ng Namayan ng mga karagdagang security inspection equipment para sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Ang inisyatibong ito ay nagpapatibay sa ating pangako na mapanatiling ligtas at maayos ang kapaligiran para sa bawat #BatangNamayan.
SK Namayan Inspects DBYES Security
Nakatanggap ang Sangguniang Kabataan ng ulat kaugnay sa isang social media post na may banta sa isang paaralan. Agad tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at personal na nagsagawa ng obserbasyon sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Patuloy nating hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.