Home / News Articles
Peace Building and Security, Education 5 Min Read Published: Jul 16, 2026

SK Namayan Inspects Security Measures at DBYES

Nakatanggap ang Sangguniang Kabataan ng ulat kaugnay sa isang social media post na may banta sa isang paaralan. Agad tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at personal na nagsagawa ng obserbasyon sa Doña Basilisa Yangco Elementary School. Patuloy nating hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.

SK Namayan Inspects Security Measures at DBYES
Kagabi, Hulyo 15, 2026, nakatanggap po tayo ng ulat kaugnay sa isang social media post na naglalaman ng banta na may kaugnayan sa isang paaralang nagsisimula sa "Donya." Agad po nating inusisa at sinuri ang naturang post, at nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang matukoy ang katotohanan nito at makapagbigay ng kaukulang aksyon sa lalong madaling panahon.

Ngayong umaga, personal na nagtungo ang Sangguniang Kabataan sa Doña Basilisa Yangco Elementary School upang magsagawa ng obserbasyon sa aktwal na sitwasyon ng paaralan. Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinatutupad ang mga security measures at inspeksyon sa pakikipagtulungan ng ating Barangay Council, Mandaluyong City Police, MAC, Public Order and Safety Division (POSD), at ng ating mga magigiting na Bantay Bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan.

Patuloy po naming hinihikayat ang ating mga magulang, mga kabataan at ka-barangay na huwag mabahala, manatiling kalmado, at maging mapanuri sa lahat ng oras. Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at makipagtulungan sa mga kinauukulang awtoridad sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad o impormasyon.

Ang kaligtasan ng ating komunidad, lalo na ng ating mga #BatangNamayan, ay nananatiling pangunahing prayoridad.

#SKNamayan